Nagkatagpo ang pinakamatangkad na babae at pinakamaliit na babae sa buong mundo.
Isinagawa ang pagkikita ng dalawa sa London kasabay ng pagdiriwang ng Guinness World Records Day.
Si Rumeysa Gelgi ay may tangkad na 7 feet at 0.7 inches habang at si Jyoti Amge ay mayroong tangkad na 2 feet at 0.7 inches.
Ayon sa Guinness World Records, na isinagawa ang pagkikita sa Savoy Hotel.
Sinabi ng 27-anyos na si Gelgi na mayroon silang pagkakahalintulad gaya ng hilig sa make-up, alahas at pag-alaga sa sarili.
Malaking hamon lamang sa kanila ay hirap silang magkaroon ng eye contact.
Labis itong nasisiyahan dahil sa nakilala na niya ang kapwa niya record holder.
Habang si Amge ay isang actress at media personality na isinilang sa India na mayroon itong bone growth disorder na tinatawag na achondroplasia na siyang nakakaapekto sa kaniyang braso at binti.