-- Advertisements --

Ang Ukrainian-born na si Igor Vovkovinskiy ay may kondisyon na tinatawag na pituitary gigantism naging sanhi ng excessive secretion ng growth hormone.

May taas ito na 7 feet 8 inches (2.35 meters).

Napag-alamang taong 1989 ay dinala pa ito ng kanyang ina sa Mayo Clinic sa Northern United States upang ipagamot.

Dalawang surgery pa ang nagligtas ng kanyang buhay subalit kalauna’y namatay ito.

Dineklara ng Guinness World Records bilang pinakamataas na tao sa America si Vovkovinskiy nang ito ay 27 year old.

Ang isa pang pinakamataas na tao sa modern US history ay si Robert Wadlow, na may taas na 8 feet 9 inches (2.72 meters).
Mayroon din itong growth hormone disorder at namatay taong 1940 sa edad na 22.