Very proud ang pamilya ng tinanghal na Mr. World Universe International 2023 na pambato na Pilipinas na si Joshua Azares, ng Roxas City, Capiz.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mrs. Marites Azares, ina ni Joshua, sinabi nito na inabangan talaga nila kagabi ang nasabing koronasyon, at hindi inakalang makukuha ng kanilang panganay ang nasabing titulo.
Sinabi din nito na noon paman ay nakitaan na nila si Joshua ng pagkahilig sa pagsali sa pageant, pero hindi ito naging hadlang sa pag-aaral ng kanyang anak.
Nagsimulang sumali sa pageant ng kanilang paaralan sa kolehiyo si Joshua at ito rin ang nagbukas sa kanya sa mundo ng modeling, hanggang sumali ito sa hari ng Pilipinas noong nakaraang taon, at nakapasok sa Top 10, dahilan na sa pinakaunang pagkakataon, nakasali ang Pilipinas sa nasabing International pageant.
Hindi rin makapaniwala ang dalawampu’t tatlong taong gulang na si Joshua na ito ang mag-uuwi ng nasabing titulo dahil bago ang pagsimula ng pageant, medyo masama ang kanyang tiyan, ngunit dahil inspirasyon nito ang kanyang pamilya, ginalingan nito sa nasabing patimpalak.