-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inagurasyon sa pinakaunang search and rescue base sa bansa na nasa Siargao Island, Surigao del Norte.

Mayroong state of the arts facilities ang nasabing search and rescue base gaya ng Automatic Identification Systemmonitoring equipment, watch tower, helipad, at elevated base defense zone.

Ayon kay Admiral George Ursabia Jr., target din ito na gawing radar station para mamonitor ang mga iligal na pangingisda para maproteksyonan ang karagatan, gayundin na mas mapaigting ang maritime laws at mapalakas ang disaster management ng bansa.

Ang apat na palagpag na gusali na itinayo sa 5,000-square-meter lot ay donasyon ng provincial government ng Surigao del Norte.

Dumalo sa aktibidad ng mga opisyal ng PCG gaya nina Admiral George Ursabia Jr., at nila Congresman Bingo Matugas, at Surigao del Norte Governor Francisco “Lalo” Matugas.