Ilalabas na sa Marso 23 ang pinal na mga kasong isasampa laban sa 2 Pilipino na kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay sa pagkamatay ng mag-asawang Hapones sa Tokyo, Japan ayon kay Foreign Affairs USec. Eduardo de Vega.
Una na ngang natukoy ang 2 Pilipino na sina Bryan Jefferson Lising dela Cruz, 34 anyos at Hazel Ann Baguisa Morales, 30 anyos na muling inaresto noong Marso 1 lamang.
Ayon kay DFA USec. De Vega, malalaman sa Marso 23 kung murder nga ba ang kasong isasampa sa 2 Pinoy dahil mayroon umanong lumitaw na bagong ebidensiya.
Nadiskubre kasi ang DNA ng Pinay na si Morales mula ginamit na murder weapon gayundin natuklasan ng mga awtoridad ang ebidenisya na dinala umano ng Pinay ang mga kutsilyo bago ang insidente.
Inaasahan ayon sa DFA chief na magkakaroon ng full due process sa posibleng kaso ng 2 Pinoy dahil matagal aniya ang ginagawang preliminary investigastion sa Japan para kapag nilitis na ang kaso sa hukuman ay mayroon ng hatol.
Samantala, ayon kay USec. De Vega patuloy pa rin ang pagbibigay ng Embahada ng PH ng lahat ng tulong kabilang ang legal assistance na kailangan ng 2 Pinoy.