Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang E-Sumbong na mas pinalakas na complaint referral and monitoring ng mga kababayan natin.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang E-Sumbong ay binubuo g hotline, email address at facebook account na dinevelop ng Information Communications Technology ng PNP.
Automated ang system kung saan kapag nagsumbong ka ay tatanggap ka ng feedback na sinasabing “Natanggap po namin ang inyong reklamo, makakaasa po kayo na ito po ay aming tutugunan.”
Ayon kay Eleazar, ang E-Sumbong ay may supervision din dito ang Office of the Chief PNP kung saan makikita nya ang report na naaksyunan na at hindi pa.
Ang mga numero na maaring kontakin ng publiko kung may reklamo sila ay ang sumusunod: 0917 847 5757 sa globe at 0919 601 752 para naman sa smart.
Maaari din ipadala sa e-sumbong@pnp.gov.ph para sa email.
Nilinaw naman ni Eleazar na hindi tatanggalin ang existing PNP numbers nang sa gayon ay hindi magkaroon ng kalituhan.
Tiniyak ng PNP na ang mga legitimate na reklamo lamang ang kanilang tutugunan.
May babala din si Eleazar sa mga pasaway o nanloloko lamang dahil sila ay hahabulin ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).