,COTABATO CITY — Nananawagan ang Department of Health (DOH) at Ministry of Health (MOH) BARMM sa mga residente ng Special Geographic Area (SGA) na mag-avail ng COVID-19 boosters habang isinasagawa ang special vaccination days (SVD) sa nasabing lugar hanggang Setyembre 8.
Ang SGA ay binubuo ng 63 barangay mula sa bayan ng Pigcawayan, Midsayap, Aleosan, Pikit, Carmen, at Kabacan.
“Sa lahat, hinihikayat natin na magpa-booster dose dahil ‘yung ating dalawang doses ay hindi sapat, kailangan natin ng booster para malakas din ang ating resistensiya,”. Ani MOH Officer-in-Charge Minister Dr. Zul Qarneyn Abas.
Sinabi ng doktor na ang SVD ay bahagi ng PinasLakas Booster Campaign — isang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang pagsusumikap sa bakuna laban sa COVID-19 sa bansa. “Susuyurin po natin yung 63 barangays para magbigay ng bakuna,” dagdag ni Dr. Abas.
“Ang targeting ay nasa DOH 12; lahat ng mabakunahan dito, it will be credited to DOH-12. Kaya lang po since constituents natin ito, minarapat natin na maging joint kasi gusto rin tayong makita ng (SGA constituents) at gusto rin nating maramdaman. ng mga kababayan dito sa 63 barangays na nandito ang ating presensiya,” paliwanag ni Dr. Abas.