Tiniyak ng Metropolitan Manila Development Authority ang kanilang kahandaan sa ikinasang dalawang linggong tigil pasada ng grupong Manibela at Piston.
Ito ang sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na inihanda na rin nila ang kanilang hakbang para matugunan at ma-minimize ang epekto ng transport strike.
Inabisuhan na rin nila ang kanilang mga tauhan para sa kanilang polisiyang “No day Off no Absent” ito ay para matutukan ang pag-antabay sa mga maapektuhang pasahero lalong lalo na sa daloy ng trapiko kasabay ng Christmas Rush.
Matatapos ang kanilang tigil pasada sa 29 ng Disyembre ngunit ayon sa grupo posibleng may nakaamba na namang transport strike sa pagsalubong ng 2024.
Dahil dito naghanda narin ng libreng sakay ang ahensya para sa maapektuhan ng dalawang lingong tigil pasada, gayundin ang mga lokal na pamahalaan naglatag din ng mga libreng sakay.
Base sa memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, mare-revoke ang prangkisa ng lahat ng individual operator na hindi makakapag-consolidate simula auno ng Enero.
Tinututulan ito ng Manibela dahil pagsasamahin nito ang prangkisa ng iba’t ibang individual operator.
Plano naman ng naturang grupo ng magsagawa ng protesta sa harap ng MalacaƱang sa mismong araw ng pasko.