-- Advertisements --

Inanunsiyo ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na umabot na sa halos 19,000 preso ang pinalaya sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ng BuCor chief ang anunsiyo sa kaniyang speech sa idinaos na Culminating activity ngayong Huwebes kasabay ng pagpapalaya sa persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa city.

Sa data ng ahensiya, nasa kabuuang 525 dito ay pinalaya ngayong Enero 2025.

Kung saan 36 PDLs ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong, Iwahig at Mindanao. Nasa 71 ang pinalaya mula sa Davao Prison and Penal Farm, 52 mula sa Iwahig Prison and Penal Farm, 27 mula sa Leyte Regional Prison at 66 mula sa Sablayan Prison and Penal Farm at 34 mula sa San Ramon Prison and Penal Farm.

Nasa 239 PDLs naman ang pinalaya mula sa New Bilibid Prison sa Mandaluyong city.

Samantala, ayon sa BuCor nasa 412 PDLs ang pinalaya matapos na magpaso ang kanilang maximum na sentensiya, 68 ang naabswelto, 32 ang ginawaran ng parole at 4 ang ginawaran ng probation.