KORONADAL CITY – Hindi pa rin pinahihintulutang makauwi sa kanilang mga lugar ang higit 20 mga pamilya mula sa Sitio Bowkanon, Barangay Ilomavis at Mawig ng Barangay Balabag Kidapawan City matapos ang mga naitalang mga aftershocks at pagguho ng lupa.
Napag-alaman na nagsagawa ng pagpupulong ang ibat-ibang ahensya ng City government ng Kidapawan hinggil sa contingency measures sakaling maramdaman pa rin ang mga pagyanig.
Bumuo na rin ng contingency team na hangang ideploy sa mga ospital maging sa quarantine facilities ng COVID-19 patients.
Samantala, nabigyan na rin ng paunang tulong ang City Social Welfare and Development ang mga pamilyang pinalikas tulad ng food and non-food items.
Una rito, inihayag ni North Cotabato PDRRMO Mercy Forunda na patuloy ang kanilang monitoring sa buong probinsiya kabilang na ang lungsod ng Kidapawan sa karagdagang mga pinsala na iniwan ng nagdaang pagyanig ng Magnitude 6.3 na lindol.