Muli na namang nagpakawala ang North Korea ng ballistic missile na ikalawang beses na ngayong buwan.
Ayon sa ulat ng Japan gov’t tumama ang projectile sa karagatan na nasa labas ng kanilang exclusive economic zone.
Sa impormasyon naman ng South Korea’s military ang pinakawalan ng North Korea ay isang short-range missile na naganap dakong alas-6:40 ng umaga at nahulog ito sa east coast ng Mupyong-ri, na ang lokasyon ay sa Jagang Province malapit sa border ng China.
Agad namang iniutos ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang pagsasagawa ng contingencies upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang marine at air traffic.
Para naman kay South Korean President Moon Jae-in agad nitong tinipon ang National Security Council upang magkaroon ng assessment sa North Korean missile launch.
Kasunod nito ay ang kanilang pagpapaabot ng kalungkutan.
“(The NSC members) decided to cooperate with related countries, especially the United States, while closely monitoring North Korea’s future movements,” bahagi ng presidential office statement.
Hindi naman ikinabahala ng U.S. Indo-Pacific Command ang pangyayari dahil sa hindi naman ito banta sa mga US personnel at sa kanilang mga kaalayado.
Nagkataon naman nagtalumpati rin nitong araw ang North Korean ambassador sa New York bilang bahagi ng United Nations General Assembly.