Tuloy ang buhay para kay Maria Andrea “Aya” Abesamis sa kabila nang pinalitan na ito bilang kinatawan sana ng bansa sa Miss Grand International 2020.
Sa kanyang latest online post, walang direktang binanggit si Aya pero nagpahiwatig na hindi naman nagtapos ang kanyang journey, bagkus ay nag-iba lang ng tatahaking direksyon.
In the end, she became
more than what she expected.
she became the journey,
and like all journeys,
she did not end, she just
simply changed directions
and kept going. ✨ #AYAmazing
Una nang nanghinayang ang Binibining Pilipinas Charities Incorporated (BPCI) na tanging age limit lamang ang naging isyu kung saan nagkaroon ng mga aberya dulot ng pandemya, kaya hindi na siya maaaring rumampa sa Miss Grand International coronation.
Gaganapin ito sa Bangkok, Thailand, sa darating na March 27.
Tiniyak naman ng BPCI na si Aya pa rin ang Binibining Pilipinas-Grand International 2019 at ipapasa ang kanyang korona sa Binibining Pilipinas pageant sa Abril ngayong taon.
Ang Pasig beauty ang first runner-up sa unang pinalitan na si Samantha Lo na nagkaisyu naman sa passport.
Habang ang bagong kinatawan ng Pilipinas ay ang “binibini” second runner-up na si Samantha Bernardo, na tatangkaing maibigay ang unang Miss Grand International crown.