-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nilinaw ng Municipal Environment and Natural Resorces Office(MENRO) ng Malapatan, Sarangani Province na isang stingray o isdang pagi ang natagpuan na balat ng hayop sa Purok Juanicoville, Lun Pandidu sa nabanggit na bayan.

Una rito, pinagkagulohan ng mga residente sa lugar at pinag-uusapan rin sa social media ang tungkol dito matapos paniwalaan na ito’y pakpak ng aswang.

Subalit iginiit ni MENRO Officer Joey Coliao, kanilang personal na inalam ang tungkol dito kayat pinuntahan ang area at napatunayang balat ng isdang pagi ang nakita.

Nabatid na balat na lang ng isdang pagi ang kanilang nakita at wala nang laman pati buntot.

Sa pahayag naman ng ibang mga residente na ang buntot ng pagi ay pinaniniwalaang isang anting-anting.

Batay sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na bawal ang kumuha ng isdang pagi.