DAVAO CITY – Inaasahang makakatanggap ng P1.6 million na calamity assitance ang probinsya ng Davao de Oro na manggagaling sa lokal na pamahalaan ng Davao City.
Ayon kay Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office head Alfredo Baloran, imnaprubahan na ng city council ang ibibigay na financial assistance para sa mga munisipalidad ng Maragusan at New Bataan sa Davao de Oro na matatandaang hiangupit ng lindol noong ika-7 ng Marso.
Tig-P300,000 ang matatanggap ng dalawang munisipyo, habang nasa P1 million ang kabuuang halaga na matatanggap ng Davao de Oro LGU.
Basehan nito ang pagdedeklara nito kamakailan ng State of Calamity sa dalawang munisipalidad, maging sa buong lalawigan ng Davao de Oro matapos ang nangyaring magnituide 5.6 na lindol na labis na nakaapekto sa halos dalawang daan at tatlumpung libong mga pamilya at sumira sa nasa P197 milyong halaga ng imprastraktura at kabahayan sa buong probinsya.
Una nang nagpaabot ng food packs ang Davao City LGU sa mga apektadong residente.
Pormal na ibibigay ng Davao City LGU ang pinansyal na tulong sa susunod na linggo.