Sinampahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion ang sinibak na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Nagbunsod ang kaso sa paglipat ng alkalde ng kaniyang shares sa Baoufu na siyang property developers ng Hongsheng Gaming at Zun Yuan Technology Inc, na matatagpuan sa lupain na pag-aari ni Jack Uy kapwa co-accused ng dating alkalde.
Sinabi ni BIR Commissioner Romero Lumagui Jr. na hindi nagbayad si Guo ng capital gains tax at documentary stamp na nagkakahalaga ng P500,000 na may kinalaman sa paglilipat ng mga ari-arian.
Dagdag pa ng opisyal na nasa batas na ang paglipat ng shares at corporate books at magreport sa Securities and Exchange Commission ay dapat magbayad muna ng buwis.
Ito na ang pangalawang kaso na kinakaharap ni Guo na ang una ay sinampahan siya ng kasong trafficking in person.
Bukod kay Guo ay kasamang nasampahan ng kaso si corporate secretary Rachelle Carreon.