-- Advertisements --

Pumanaw na ang pinatalsik na pangulo ng Mali na si Ibrahim Boubacar Keïta sa edad 76.

Kinumpirma ng mga kaanak nito ang pagpanaw ng pangulo ng Mali sa kanilang bahay.

Hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye lalo na ang sanhi ng kamatayan nito.

Naging pangulo ng Mali si Keita sa loob ng pitong taon hnaggang 2020.

Pinatalsik ito dahil sa naganap na kudeta ng malawakang nagsagawa ng anti-government protest.

Noong 2019 ay dumanas na ito ng mild stroke kung saan dinala pa ito sa United Arab Emirates para doon ipagamot.