-- Advertisements --
image 119

Inilibing na ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala bilang DJ Johnny Walker sa Zamboanga Del Norte, Linggo ng umaga.

Matatandaan na si Jumalon ay pinagbabaril sa loob ng kanyang radio station habang live on air sa Misamis Occidental.

Bumuhos naman ang pakikiramay ng malalapit na kaibigan at mga dating kasamahan sa politika ni Jumalon.

Nauna nang iniulat na sinampahan na noong isang Linggo ng kasong murder at pagnanakaw ang tatlong supek.

Kasabay nito, tiniyak naman ng Presidential Task Force on Media Security na ginagawa ng pulisya ang lahat para mahuli ang mga nasa likod ng pagpaslang.

Aabot na sa kabuoang P3.7million ang reward money sa mga makakatulong sa paghuli sa mga suspek.