-- Advertisements --

Naghahanda na ang Pinay beauty queen na si Meleah Mae Moreno sa nalalapit na 2022 Miss Ecology International na gaganapin sa Venezuela. Nasa 30 na mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa ang maglalaban-laban sa korona ng nasabing international beauty pageant.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 23-year-old beauty queen na tubong Bulacan, sinabi nito kung ano ang kanyang mga ginagawang preparasyon para maiuwi ang titulo.

“It’s my first time to go international and to compete there [in Venezuela]. Grabe ang pressure at ang preparation. Dito sa pageant ko na ito, really give my all. I am happy to raise the flag of the Philippines. There’s really a pressure na I want to make all of you proud.”

Isa sa mga ecological project ni Meleah ay ang “Communi-Trees” kung saan hinihikayat nito ang bawat isa na magtanim ng puno bilang panlaban sa umiigting na climate change sa buong mundo.

Ang 2022 Miss Ecology International ay gaganapin sa November 1- 10, 2022 sa Valencia, Venezuela.