-- Advertisements --
Rubelin Amit
Rubelin Amit

Nakuha ng Pinay billiard player na si Rubilen Amit ang pangatlong puwesto sa women’s rankings ng World Pool-Billiards Associations.

Naging matagumpay kasi ang 37-anyos sa mga nagdaang laban nito.

Nagtapos ito bilang runner-up sa China Open nitong buwan at sa 32nd Japan 9-Ball Open sa Tokyo noong Hulyo na mayroong kabuuang 10,573 points.

Nasa unang puwesto naman si Yu Han habang pangalawa naman si Chen Siming na kapwa mga Chinese.

Ito na ang pinakamataas na nakuha ni Amit mula noong naging numero uno ito matapos ang 10 taon.