-- Advertisements --

Pasok na sa susunod round si Filipino boxer Aira Villegas matapos na talunin si Yasmine Mouttaki ng Morroco sa women’s 50kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nakuha ni Villegas ang unanimous decision na panalo laban sa Morrocan boxer.

Sa simula pa lamang ng laro ay naging agresibo na ang bawat panig kung saan nagpalitan sila ng mga suntok.

Binalaan pa ng referee ang Morrocan boxer dahil sa labis na pagdikit nito sa Pinay boxer.