BACOLOD CITY – Inamin ng Filipina boxer na si Nesthy Petecio na nagkaroon siya ng depression bago pa sumabak sa 2019 AIBA Women’s Boxing World Championship.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Petecio, hindi aniya naging madali ang pinagdaanan niya sa world championship kung saan nawala siya sa focus sa kasagsagan ng training at sunod-sunod pang pagsubok ang hinarap niya na nagtulak sa kanyang sumuko na sana.
Ayon kay Petecio, panalangin at paghugot ng inspirasyon sa pamilya kasabay ng pag-alala sa dahilan kung bakit niya pinasok ang boxing, ang mas nagpalakas ng loob niyang tanggapin na may magandang rason ang nararasan niyang paghihirap kaya hindi tuluyang sumuko.
”Hindi po siya ganun kadali po iyong journey ko po dito sa World Championship po. Kasi po ang dami ko pong pinagdaanan na ayon depressionkung baga nawala po ako sa focus. Ang dami pong pagsubok na dumating po. Ganun naman po talaga pero ang pinaka importante po doon na kahit nadapa po tayo alam po natin kung paano bumangon at bumalik ulit,” ani Petecio.
Kung maaalala, nakuha ni Nesthy Petecio ang kampeonato sa 2019 AIBA Women’s World Boxing Championships na ginanap sa FSK Sports Complex sa Ulan-Ude, Russia, noong nakaraang Sabado at nakapag-uwi ng gintong medalya.