-- Advertisements --

Pasok na sa Paris Olympics ang Filipino boxer na si Hergie Bacyadan matapos magtagumpay sa 2nd World Qualification Tournament sa Bangkok, Thailand.

Tinalo nito si Maryelis Yriza ang pambato ng Venezuelas sa women’s 75-kilogram semifinal.

Lahat ng mga limang judges ay nagbigay ng score na pumabor sa kaniya.

Matapos ang dikit na laban sa first round ay nabigyan niy ang right uppercut na nagpatumba kay Yriza sa ikalawang round.

Pagpasok ng ikatlong round ay pinaulanan ng Pinoy boxer si Yriza.

Susunod na makakaharap nito Baison Manikon ng Thailanan para sa semifinals.

Si Bacayadan ay siyang pinakahuling Pinoy boxer na pasok sa Paris Olympics kasaman sina Tokyo silver medalist Carlo Paalam, Tokyo silver medalist Nesthy Petecio, Tokyo bronze medalist Eumir Marcial, Aira Villegas, pole vaulter EJ Obiena; fencer Samantha Catantan; gymnasts Carlos Yulo at Aleah Finnegan.