-- Advertisements --

Hindi isinasara ni Pinay boxer Hergie Bacyadan ang kaniyang pintuan na maging professional boxer.

Matapos ang kaniyang bigong kampanya sa Paris Olympics ay nasa plano na nito ang pagigign professional boxer.

Pinag-aaralan niya ang sitwasyon kung papabor ba ito sa kaniya.

Kung mabigyan ng tsansa at komportable naman ito ay hindi ito magdadalawang isipi na kunin agad ang pagkakataon.

Pagtitiyak niya na handa rin itong sumabak para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Magugunitang nabigo siy kay Li Qian ng China sa unang round ng laban niya.