BACOLOD CITY – Nagsasagawa ng donation drive ang Olympic-bound boxer na si Irish Magno upang makatulong sa mga kababayang walang-wala ngayon sa kasagsagan ng coronavirus pandemic.
Ito’y kahit na pinipilt din daw niyang i-budget ang kanyang natitirang allowance.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Magno, marami din naman ang nag-aambag para makatulong sa kanyang donation drive.
Dagdag pa ni Magno, sa kabila ng pagiging qualified sa Olympics ay hindi niya magawang magsaya dahil sa sitwasyon ngayon.
“First of all sobrang happy po kasi pangarap po ng bawat athleta na makapag laro po sa Tokyo Olympics at the same ayon parang hindi ganun kasaya na dahil nga po sa pinagdadaanan natin ngayon kaya ang hirap po magsaya,” pahayag ni Magno sa Star FM Bacolod.
Si Magno ay kasalukoyang nasa Baguio City kasama ng iba pang stranded national athletes kung saan patuloy ang kanilang ensayo habang hinihitay ang go signal ng Philippine Sports Commission (PSC) na safe na silang makauwi sa kanilang mga probinsiya.