-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nanawagan ng dasal ang pinay Olympian na si Irish Magno sa kanyang gold medal match sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Si Magno ay may tiyak na silver medal na matapos manalo laban kay Novita Sinadia ng Indonesia via 5-0 unanimous decision.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Magno na tubong Janiuay, Iloilo, sinabi nito na sa ngayon puspusan ang kanyang pagsasanay para sa laban nito sa women’s 54kg finals.

Inamin rin ni Magno na malaking hamon sa kanilang ensayo ang sorbang init na panahon sa Cambodia.

Makakaharap naman ni Magno si Jutamas Jitpong ng Thailand na tumalo sa kanya noon sa 2020 Tokyo Olympics.

Positibo naman ang Ilongga boxer na makakamit ang maiuuwi ang gintong medalya sa Pilipinas.