-- Advertisements --
Irish Magno 1
Irish Magno / FB post

Pasok na rin sa 2020 Tokyo Olympics ang Pinay boxer na si Irish Magno.

Ito’y kasunod ng kanyang dominanteng panalo kontra sa pambato ng Tajikistan sa nagpapatuloy na Asia-Oceania Olympic Qualifying Tournament sa Jordan.

Si Magno ang ikaapat na Pinoy at unang babaeng atleta ng bansa na na-qualify sa Summer Games.

Maliban kay Magno, una nang na-qualify sa Olimpiyada ang gymnast na si Carlos Yulo, pole vaulter na si EJ Obiena at isa pang boksingero na si Eumir Marcial.