Binati at pinasalamatan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Nesthy Petecio sa panibagong Olympic bronze medal para sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo, ipinakita ni Petecio sa buong mundo na walang inaatrasang hamon ang mga Pilipino.
Ipinagmamalaki anya ito ng buong bansa.
Nagpaabot rin ng pagbati si First Lady Liza Araneta Marcos kay Nesthy.
Pinasalamatan ng unang ginang ang Pinay boxer sa magandang laban at pag-uwi ng bronze medal.
Ayon sa First Lady, tunay na boxing champ si Petecio sa puso ng mga Pilipino.
Tinalo si Petecio ng Polish boxer na si Julia Szeremeta sa semifinals ng women’s 57kg division.
Ito na ang pang-apat na medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics sunod sa dalawang gintong medalya na nasungkit ni Carlos Yulo at bronze medal ng isa pang Pinay boxer na si Aira Villegas.
Itinatakda sa batas na ang bronze medal sa Olympics ay may katumbas na 2 milyong pisong cash incentives.