-- Advertisements --

Babandera ang mga lady athletes na pangungunahan ni Aiba Women’s World Boxing Championships 2019 gold medalist Nesthy Petecio ang ceremonial torch relay para sa pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, na magsisimula na sa lungsod ng Davao sa Oktubre 30.

Kasama rin ni Petecio ang mga kapwa nito atletang mga taga-Davao City na sina Sydney Sy Tancontian ng judo, at ang waterski athlete na si Mikee Selga.

Ayon kay Petecio, ispesyal at kanya raw ikinararangal na maimbitahan para sa okasyon.

Gayundin ang nararamdaman nina Tancontian at Selga kung saan “proud” daw silang ikatawan ang Davao City sa nalalapit na regional sports meet.

Mula sa Malaysia, uumpisahan ang torch relay sa Davao bago ito dumaan sa iba’t ibang bahagi pa ng bansa gaya ng Tagaytay, Manila, Kamara, MalacaƱang at Clark, Pampanga.

Ang namayapang National Artist for architecture na si Francisco MaƱosa ang siyang nagdisenyo ng official torch at ng cauldron para sa SEA Games na magbubukas na sa Nobyembre 30.