-- Advertisements --
Napili bilang flag bearer sa closing ceremony ng Tokyo Olympics si Filipino boxing featherweight silver medalist Nesthy Petecio.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na napili si Petecio bilang kauna-unahang babaeng medalist sa larangan ng boxing.
Makakasama nito na paparada sa closing ceremony sina flyweight Irish Magno, silver medalist flyweight boxer Carlo Paalam at middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial.
Bukod sa mga boksingero at mga opisyal ng POC a makakasama rin sa closing ceremony si skateboarding president Carl Sambrano.
Gaganapin ang closing ceremony sa Tokyo Naitonal Stadium kung saan walang mga audience ang pinayagan dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.