-- Advertisements --

Bigong makausad sa finals ng women’s 50 kgs. boxing si Pinay boxer Aira Villegas.

Ito ay matapos talunin siya ni Buse Naz Cakiroglu ng Turkiye sa pamamagitan ng unanimous decision.

Nangangahulugan nito ay bronze medal lamang ang nakuha ni Villegas.

Mula sa simula ay dominado ni Cakiroglu ang laban.

Sinubukan pa ni Villegas na makahabol kung saan napabagsak niya ng bahagya si Cakiroglu subalit mabilis na nakabawi ang Turkish boxer.

Inamin ni Villegas na naging malakas ang nakalaban nito at tiniyak niyang babawi ito sa mga susunod international boxing event.