-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa Hong Kong kung ano ang naging sanhi ng kamatayan ng celebrity chef na si Margarita Fores.

Ang 65-anyos na si tinaguriang Asia’s Best Female Chef noong 2016 ay natagpuang walang buhay sa kuwarto nito sa isang hotel sa Hong Kong.

Nakilala siya sa pagsulong ng paggamit ng mga organic na sangkap sa high-quality Italian at Filipino na putahe na siyang nagdala ng pagkilala sa mga ibang bansa.

Isinilang noong 1959 mula sa kilalang pamilya Araneta.

Nakuha ang hilig sa mga Italian food habang naninirahan sa New York kung saan noong 1986 ay nagsanay siya sa ilalim ng taltong chef.

Nagsimula ito sa catering service bago ilunsad ang restaurant na Cibo noong 1997 na nag-aalok ng Italian dishes sa murang halaga.

Bukod sa Cibo ay kasama rin siya sa nagtaguyod ng “Lusso”, “Grace Park” at “Alta” na mga restaurant.

Siya rin ay two-time cancer survivor kung saan noong 2006 ay gumaling siya sa thyroid cancer.

Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang local celebrity sa bansa matapos na malaman ang pagpanaw ni Fores.