-- Advertisements --
Arianne Caoili
IM Arianne Caoili

Patay ang Pilipinang asawa ng Armenian chess grandmaster matapos masangkot sa isang car accident sa capital city ng bansa na Yerevan.

Kinumpirma ng top-ranked chess player ng bansang Armenia na si GM Levon Aronian ang pagkamatay ng kanyang misis na si Arianne Bo Caoili, na isang ring chess player at woman International Master (IM) ng FIDE.

“I have no words to express the grievance over my wife Arianne’s death. She was intelligent , hard working and joyous person that lived a beautiful life.”

“I love you honeybun, sleep tight.”

Batay sa ulat, bumangga noong March 15 ang sasakyan ni Caoili, 33, sa column ng tulay malapit sa isang intersection sa siyudad.

Sumailalim pa raw ang Pinay sa ilang operasyon pero binawian din ng buhay.

Itinanghal noon na Woman International Master ng Pilipinas si Caoili hanggang lumipat siya sa Australia taong 2004 para sa ibang chess federation.

Si Arianne ay nagkampeon na rin sa Oceania women’s chess championship noong 2009 at sumali rin sa pitong Women’s Chess Olympiads.

Sinasabing maraming lengguwahe na alam si Caoili at ito ay fluent kung saan nag-aral ito at nagtapos ng Ph.D. sa isang German university.

arianne caoili levon aronian
Levon Aronian and Arianne Caoili were married in Yerevan, Armenia in 2017 (photo courtesy from chess24.com)
levon arianne
September 2019 wedding anniversary