-- Advertisements --
Maxine Esteban
Maxine Esteban/ IG post

Nagdesisyon si Philippine fencing champion Maxine Esteban na itulong na lamang sa mga medical frontiliners ang kaniyang buong sahod mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon sa 19-anyos na fencer na idadagdag pa nito ang kaniyang allowance ganun din ang kaniyang cash prize sa pagkapanalo nito ng bronze medal noong 2019 Southeast Asian Games.

Dagdag pa nito na nakalikom na ito ng P360,000 sa kaniyang “A Small Thing Goes A Long Way” fundraising drive.

Subalit napagdesisyunan nilang magkapatid na paabutin na lamang ito ng P500-k kaya minabuti na lamang na i-donate ang kaniyang mga allowance.