Pinayagan na ng Philippine Fencing Association (PFA) ang paglipat ng kaniyang nationalities ni Maxine Esteban.
Nagpasya kasi ang world number 84 na irepresenta na lamang niya ang Ivory Coast sa kaniyang pagsabak para makakuha ng spot sa 2024 Paris Olympics.
Sumulat na si PFA president Richard Gomez sa International Fencing Federation para aprubahan ang paglipat at nagpasa na rin sila ng petisyon para i-waive ang three-year residency rule kay Esteban.
Ayon kay Gomez na suportado nila ang pagpapasya ni Esteban para makamit niya ang pangarap nitong makapaglaro sa Olympics.
Ang atleta na mula sa Ateneo ay mayroong career-high ranking na 62 na siyang pinakamataas na ranking na naabot ng isang Pinoy fencer.
Siya ang pinakahuling Filipino athlete na naging naturalized players ng ibang bansa na ang iba ay sina Yuka Saso ng golf, Jaja Santiago sa volleyball at si chess star Wesley So.