-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Filipina fencer Samantha Catantan sa North American Cup Senior Women’s Foil tournament na ginanap sa Virginia.

Nahigitan siya ni Eleanor Harvey sa score na 5-15 ng Canada.

Ang panalo ni Catantan ay kasunod ng pagkapanalo nito ng bronze medal sa Asia-Ociana Olympic Qualification Tournament sa Tahskent, Uzbekistan noong Abril 26.

Dahil sa panalo ay mapapabuti pa ang kaniyang performance sa pagsabak nito sa 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.

Malaking tulong din aniya ito sa maagang paghahanda niya sa 2024 Paris Olympics kasama ang kaniyang coach na si Rolando “Amat” Canlas.