-- Advertisements --

Sumailalim sa operasyon para sa pagsasaayos ng kaniyang napunit na kaliwang ACL ang Olympian na si Sam Catantan.

Isinagawa ang operasyon nito sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City isang linggo matapos ang laban nito kay Mariana Pistola ng Brazil noong Paris Olympics.

Ang nasabing injury nito ay parehas na kaniyang natamo noong 2023 Southeast Asian Games na naging sanhi sa pag-atras niya sa gold-medal match sa women’s individula foil.

Una ng inamin ng Pinay fencer na hindi pa talaga ito gumagaling subalit sa pagnanais niyang makasali sa Olympics ay pinilit niyang maglaro.

Ang kaniyang injury ay siyang naging sagabal kaya hindi ito maka-focus sa paglalaro.