-- Advertisements --

Pinatunayan ni Filipina mixed martial arts fighter Denice Zamboanga ang kaniyang pagiging number 1 contender sa women’s atomweight title sa ONE Championship.

Ito ay matapos talunin niya si Watsapinya “Dream Girl” Kaewkhong ng Thailand.

Sa unang round pa lamang ay umarangkada na agad ang Pinay fighter kung saan nagpakawala ito ng mga combination.

Sa bandang huli ay nakuha nito ang double-leg takedown ang Thai fighter kung saan ginamit ang Americana at twisted arm.

Dahil sa panalo ay mayroon ng walong panalo at walang talo si Zamboanga.