-- Advertisements --

Tinalo ni US-based Filipina striker Jackie Buntan sa kaniyang unang laban sa ONE Championship si Wondergirl Fairtex ng Thailand.

Kontrolado ng 23-anyos na si Buntan ang laban kung saan pinaulanan nito ng kombinasyon ang kalaban.

Sa nalalapit na pagtatapos ng unang round ay nagpakawala si Buntan ng tatlong kumbinasyon na suntok na nagdulot sa pagkatumba ng kalaban sa canvass.

Nakatayo pa ito at matapos ang laban ay pinaburan ng mga judges ang Pinay fighter.