-- Advertisements --
Pinay Futbol
Beatrice Luna/ Pinay Futbol FB image

Pumanaw na ang miyembro ng Philippines girls national team na si Celestina Beatrice Luna.

Kinumpirma ng Philippine Football Federation ang pagpanaw ng 15-anyos na si Luna.

Hindi na binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito at sinabi na na-coma lamang ito ng ilang linggo.

Kabilang si Luna ng makuha ng koponan ang pang-apat na puwesto sa ASEAN Football Federation Under-15 Girls’ Championship 2019 sa Thailand.

Nagpaabot rin ng pakikiramay ang Philippine Football Federation at Pinoy Football star James Younghusband sa pagpanaw ng Baguio native na football player.