-- Advertisements --

Magiging solo lamang na paparada ang pambato ng Pilipinas sa Winter Youth Olympic Games na magsisimula ngayong araw sa Gangneung Oval at PyeongChang Dome sa South Korea.

Tanging si Freestyle skier Laetaz Amihan Rabe ang magdadala ng bandila ng Pilipinas sa nasabing opening ceremony.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino, na ang 14-anyos na Switzerland-based Filipino ang atleta na paparada na kaniyang sasamahan.

Ang mga kasamahan nito ng atleta na si 16-anyos na si Peter Groseclose ay mayroong kumpetisyon sa 1,500 meters short track speed skating sa Sabado.

Habang ang cross-country skier na si Avery Balbanida ay sa Enero 25 pa darating dahil ang event nito ay magsisimula pa sa katapusan ng buwan.

Dagdag pa ni Tolentino na labis ang kasiyahan ni Rabe ng ipinaalam niya na siya ang magiging flag-bearer sa nasabing torneo.