-- Advertisements --
Muling nakalasap ng pagkatalo ang Philippine women’s national futsal team laban sa Vietnam sa score na 6-1 sa ASEAN Women’s Championship na ginaganap sa Philsport Arena sa lungsod ng Pasig.
Ito na ang pangalawang magkasunod na pagkatalo ng The Pinay na una ay sa Thailand.
Sa unang laro ng Pinay 5 ay nagresulta sa draw kontra sa Myanmar.
Tanging si Pinay 5 forward Alisha del Campo ang nakapagtala ng consolation goal sa 24 minuto ng laro.
Subalit pagpasok ng second half ay doon na umarangkada ang Vietnam.
Susunod na makakaharap ng Pilipnas ang Indonesia ngayong Miyerkules ng ala-7 ng gabi.