-- Advertisements --

Kinontra ni Pinay golfer Dottie Ardina ang naging pahayag ng Philippine Olympic Committee at National Golf Association of the Philippines (NGAP) ukol sa isyu ng kawalan ng uniporme.

Sa social media post ng Filipina golfer na ang nasabing laki at kulay ng uniporme ay iba at hindi kaaya-aya.

Maging ang puwesto ng watawat ng Pilipinas ay hindi nakalagay sa tamang puwesto.

Dahi dito ay nagdesisyon na sila na isuot ang kanilang binili para hindi na magkaroon ng anumang aberya.

Nagtataka pa ito na sa paglabas ng isyu ay tila siya pa ang nabaligtad.

Umaasa na lamang ito na hindi na mauulit pa ang kanilang dinanas.

Sa pagtatapos ng kaniyang post ay taas-noo pa rin itong sinabi na bahagi siya ng Philippine Team sa 2024 Paris Olympics.