-- Advertisements --

Nakausad na sa ikalawang round ang Pinay golfers na sina Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina sa nagpapatuloy na Paris Olympics.

Nasa pang 13 puwesto si Pagdanganan na kaparehas ang 12 pang mga manlalaro.

Nagtala kasi ng birdie si Pagdanganan sa 12th, 15th at 18th holes para manatili sa torneo.

Habang si Dottie Ardina ay nakatabla sa 40th place matapos ang tagumpay ng four-over 76 na sinundan ng double-bogey sa par-4 ng 15th hole.