Pasok na sa 2024 Paris Olympics si Pinay gymnastics Aleah Finnegan.
Ito ay matapos ang tagumpay ng 20-anyos na si Finnegan sa 2023 Artistic Gymnastics World Championship sa Belgium.
Nakapuwesto ito ng pang-32 sa women’s all-around event na mayroong kabuuang 51.366 points na sapat na para makapasok sa isa sa 14 na Olympic slots.
Itinuturing ni Finnegan na isang katuparan ng kaniyang pangarap ang nasabing pagkakapasok niya sa Olympics.
Matapos ang pagsabak nito sa US ay naglaro siya sa Pilipinas noong 2021 SEA Games sa Vietnam kung saan nakakuha siya ng dalawang gintong medalya sa team at vault event at silver medal naman sa all-around at balance beam.
Siya na ang pangatlong Pinoy na nakapasok sa Olympics na una ay kinabibilangan nina EJ Obiena at gymnast Carlos Yulo.