-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ni Olympic aspirant Lauren Hoffman.

Nakuha nito ang women’s 100-meter hurdles sa loob lamang ng 13.41 seconds sa Duke Invitational.

Tinalo ng Asian 400m hurdles champion ang 17-taon standard na nagawa ni Sheena Atilano sa Pune, India.

Nagawa nito ang record matapos ang dalawang linggo ng maitala niya ang 400m hurdles sa Hurricane Collegiate Invitational sa Coral Gables, Florida kung saan may oras itong naitala na 56.39 seconds.

Tinalo nito ang record na 56.44 ni Robyn Brown dalawang taon bago ang Hanoi Southeast Asian Games.

Dalawang beses din nito nabasag ang 400m na una ay sa Clemson, South Carolina noong Enero na nagtala ng 53.91 at nahigitan niya ang 59.94 secs. na naitala ni Kayla Richardson sa South Carolina kung saan mayroon itong 53.71.

Umaasa si Hoffman na makakalahok ito sa Paris Olympics kasama ang mga atletang ng bansa.