-- Advertisements --

ILOILO CITY- Excited na ang Pinay International Fashion Designer na si Kirsten Regalado na mairampa ng mga kandidata ng Miss Universe ang kanyang mga masterpieces.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Regalado na tubong La Castellana, Negros Occidental at ngayon ay nakabase sa Estados Unidos, sinabi nito na siya ang napiling magdesinyo ng evening at national costume ni Miss Mauritius, evening gown ni Miss Armenia, at national costume ni Miss Iceland.

Ayon kay Regalado, ang national costume ni Miss Mauritius ay ideya ng mga bata na may down syndrome kung saan napili nila ang temang “Save the Ocean.”

Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na nagdesinyo si Regalado para sa mga Miss Universe candidates.