-- Advertisements --

Matapos ang dalawang linggong pagpasyal sa kanyang home country, bumalik na sa Amerika si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray.

Kaugnay nito, muling ipinagmalaki ng fourth Pinay Miss Universe ang suot nito na gawang Pinoy.

“Hello Washington, D.C.!! Fresh off the flight from MNL 💛 What jetlag?!? 😋 wearing Inaul fabric suit by @jearsond to celebrate the Commemoration of the 121st Anniversary of the Proclamation of Philippine Independence 🇵🇭” caption nito sa kanyang latest picture.

Nabatid na ang pagbisita ng 25-year-old Fil-Australian beauty sa bansa ay upang personal niyang ipasa ang Binibining Pilipinas-Universe crown nitong Hunyo 9 kung saan naging successor niya ang half Palestinian na si Gazini Ganados.

Nitong Linggo naman kasabay ng Father’s Day sa Pilipinas ay inilaan pa rin ng Bicolana beauty queen ang oras nito sa kanyang Miss Universe duties.

Gaganapin ang 68th Miss Universe sa South Korea ngayong taon pero wala pang petsa.