-- Advertisements --
Nalasap ni Filipina MMA fighter Denice Zamboanga ang unang pagkatalo sa kamay ni Seo Hee Ham sa ONE: Empower.
Sa simula pa lamang ng laro ay ginulat ni Seo ang Pinay fighter sa laban na ginanap sa Singapore Indoor Stadium.
Pagsapit ng round 2 ay tumindi pa ang ginawang pagpaulan ng mga suntok ng dating UFC fighter.
Nagawa pang i-take down ni Zamboanga ang Korean fighter subalit agad itong nakabawi.
Dahil dito ay mayroon ng walong panalo at isang talo si Zamboanga habang mayroong 24 panalo at walong talo si Seo.