-- Advertisements --
Nagwagi si Pinay mixed martial artist na si Islay Erika Bomogao sa kaniyang unang pagsabak sa ONE Championship.
Tinalo nito ang Japanese fighter na si Fuu sa undercard ng ONE Friday Fights 86 na ginanap sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.
Sa unang round ay pinag-aralan munang mabuti ng 23-anyos na Pinay ang mga galaw ng kalaban.
Nakipagsabayan na ito sa ikalawang round hanggang sa pagpasok pa rin ng ikatlong round ay pinaulanan ng suntok at sipa ni Bomogao ang Japanese fighter.
Sa huli ay pumabor lahat ang tatlong judges kay Bomogao.