-- Advertisements --

Nanawagan si Filipina mixed-martial arts fighter Denice Zamboanga kay ONE Women’s Atomweight World Champion Angela Lee na bakantehin ang kaniyang titulo dahil ito ay nagdadalang-tao.

https://www.instagram.com/p/CGCAjaqJ3YY/

Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na dapat gawin ni Lee ang nararapat at ito ay ang pagbibitiw dahil hindi naman nito maidedepensahan ang kani yang titulo.

Magugunitang inanunsiyo kamakailan ni Lee ang kaniyang pagbubuntis mula sa partner na si Bruno Pucci.

Sa panig ng ONE Championship na magsasagawa sila ng Women’s Atomweight Grand Prix tournament at ang mananalo ay siyang makakaharap si Lee kapag bumalik.

Hindi naman sang-ayon dito si Zamboanga.